Lunes, Abril 27, 2015

Living in God's Purpose

Living in God's Purpose
2014

In this 18 years of existing in this planet, I can't believe that there is this indescribable, unexplained, wonderful, great feeling that is far greater than the word euphoria, that I would ever feel in my life. I realized that this life I'm living is the greatest gift I had ever received from God. This is something that even trillions of "Thank you Lord!" are not worth saying. All my experiences, though most of it were excruciating pain in my chest, had been my inspiration to make my every step forward, and every time I fall down, it gives me strength and courage to rise up again.

Later, I had realized that everything I thought and had believed was wrong. It is not about me, nor them, nor you, nor this world. I existed, you existed, they existed, all of us existed here because of God. We live because God has a purpose on each of us. All these pleasures and heartaches we feel, all the happy and painful experiences are just tests on how we can handle everything, how to be godly, and how can we prepare for eternal life, God has promised.

I admit that I am not perfect. I sin. I sin a lot. Always. I even sin the same sin a couple of times and a couple of times I said and cried the word 'sorry' but still, did the same sin again. I get so stupid sometimes. ..a hypocrite at times. For how many times I said a promise and broke it. For how many times I blasphemed pain but also caused it. Even if I want to stop sinning, (you don't know how I curse myself for being so weak and evil) I know, I can't...

But, God loves us unconditionally that He looks at us as the most precious thing that had ever happened to Him. He doesn't look at the wrong things we made. He doesn't look at how bad we had been. If He does, can you tell me the number of times He did not gave you a chance when you made something stupid in your life? I bet, there was none. But, He looks at every possibility, that our heart would someday beat for the right thing. ..that someday we will realize how He loves us and stop all our misconceptions and foolishness.

We are lucky that God still care for us even though we are selfish, proud, greedy, hateful, EVIL...
That's why God's commandments are very important. It is His laws that we human beings, His pride, His loved creations, His most precious, should abide to. We really SHOULD obey these because it is the only way to live a peaceful life.. ..the only way to live our REAL PURPOSE.

Aiming for our goals in life, achieving our dreams and so on.. are not reasons why we existed here in the first place. We are here because we have a mission. God has a purpose. He planned everything right before we were born. (Read Jeremiah 29:11, thank you :)) He created us because of the word.....

..LOVE. Yes. Love. right? :)

Right now, I have dreams and goals for my life and one of it is to live a better life in this world. But now, I know the real purpose why I am here is to live my purpose ..and my purpose is set by God. A purpose-oriented life is not a life of dead-end. It is a life of open roads, open opportunities, many chances and experiences for life-changing learning and lessons ..better changes. Yes, there are risks but, why are you afraid and hesitant to take them? ..when you are not, when good things are set in your table? Life is not always happiness, yes, everybody loves that. Who wants to be in sorrow anyway? none, but sometimes we have to learn important things and there are lots of situations where happy moments can't always give us that 'essential' learning we 'need'.

God is not a subject to laugh at. His works, 'doing' His works is not weird or strange or boring. You should be proud doing it, why are you in shame when you are not looking down when you do something wrong? Change that impression please. Change that habit. Obeying His commandments is not a burden, it is happiness, it is a privilege. It gives love to life. It gives life to life.

My friend, it is not yet too late. As long as you are breathing the breath of life, you can still live your purpose ..His purpose. You can still leave your past and look forward to changing your future for the good. The only thing you need to do is make sure that God and love is your life-support. Let us rejoice in the Lord. Always make yourself ready so that we can be presentable when the time will come, that He will fetch us to live with Him in the true home He had prepared for us..


..in Heaven. :)

GBU
--------------------------------------------------------------------
Catch me up on the ff.:

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/annejoosell
FACEBOOK: https://www.facebook.com/SkyreFelicity
TWITTER: @skyreJocel
ASK.FM: http://ask.fm/annejoosell

When They Hurt You

When They Hurt You


Minsan hindi maiiwasang masaktan ka ng mga taong 'di mo aakalaing masasaktan ka nila. 

Alam mo 'yung pakiramdam na sana alam mo lahat ng nangyayari?
 ..ng nararamdaman nila?

Para alam mo rin kung ano ang dapat mong isipin at para hindi ka na rin mabaliw sa kakaisip kung ano bang nangyayari? Bakit marami kang hindi maintindihan? Pero..
..wala kang magawa kasi hindi ka makapagtanong. Hindi mo makuha 'yung sagot na hinahanap mo kasi napakakumplikado ng sitwasyon.

Minsan, ang sarap hilingin na sana mawala ka na lang bigla. 'Yun bang, parang hindi ka nag-exist sa mundo... hindi ka nangyari. Kapag sobrang masakit na kasi, mahirap kayanin ang pakiramdam na ibinibigay nun. Iba kasing sakit 'yun eh. Hindi literal na masakit, hindi rin nakakamatay na sakit pero, ito 'yung klase ng sakit na naghihirap ang kalooban mo, hindi ka makahinga sa bumabarang bigat sa damdamin. Parang sinusugatan ka ng walang tigil pero kahit anong iyak mong tama na, sana mamatay ka na lang, walang nangyayari, hindi naiibsan ang sakit, patuloy pa rin, parang walang katapusan.

Nakakapagod 'pag paulit-ulit. Parang walang katapusan. Hanggang kailan ba? May mas matindi pa ba? May mas masakit pa ba? Hindi mo maiiwasang itanong ang mga 'yan. Pakiramdam mo binalot na ng dilim ang mundo mo at hindi mo alam kung permanente na bang ganyan o may pag-asa pa bang lumiwanag ulit.

Nakakalungkot lang minsan. May mga pagkakataon talagang masasaktan ka nila kahit hindi nila alam na nagagawa nila. Na tumatawa sila sa oras na umiiyak ang puso mo. Pero wala kang karapatang ipagsigawan iyon sa kanila dahil isa 'yong kahangalan. Kaya nga minsan parang naniniwala ako sa sinasabi ng iba na sa mundo, wala ka nang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang sarili mo lang. Wala ka na dapat asahang kakampi kundi sarili mo lang. Kasi, kahit gaano ka pa magpanggap o magtago ng nararamdaman mo sa iba, hinding-hindi mo magagawang magsinungaling sa sarili mo.

Parang joke ang buhay. Minsan halos malaglag ang panga mo sa kakatawa, at minsan para kang baliw na umiiyak gaya ni Sisa. Parang gulong 'di ba? Paikot-ikot, paulit-ulit. Kahit ako hindi mapagtanto kung ganito na lang ba habang-buhay o kung pwede bang mamili na lang sa dalawa at iyon na lang ang maramdaman. Kahit anong gawin ko, ito pa rin ang ikot ng mundo. Hindi na 'ko makaalis. Hindi na ako makalayo. 

Sana kung saan man ako dalhin nito, mahanap ko na 'yung kasagutan na hindi ko alam kung sa'n ko ba makukuha. Saan nga ba? Ewan, nakakapagod rin pala ang mag-isip. Nakakatawa dahil kahit sa bagay na 'yan wala akong magawa. Paano nga ba iexplain ang lahat kung bago pa ako dumating sa mundong ito ay ganito na? Bago pa ang lahat, ito na ang takbo ng mundo. Ito na 'yung ikot. Ako lang naman ang nakisabay kaya hindi ko talaga alam kung saan papunta 'to.

Siguro nga may pagkakataong akala natin alam na natin lahat, alam na natin ang dapat gawin. Pero may mga pagkakataong sa buhay na isasampal sayo na minsan mahina ka rin, na minsan wala kang alam, minsan wala kang magawa. Sabi nga nila, kapag marami ka nang alam, marami ka pa ring dapat malaman. Ang kahanga-hanga lang talaga ay iyong milagrong nakakatawid ka pa rin kahit alam mong mapuputol na ang tulay. Nakadungka ka pa rin, kahit na may butas ang bangka. Ganoon kasi kahiwaga ang buhay, may mga nakakagulat na pangyayari kung saan naaambunan ka nang pag-asa sa mga panahong tuyot na ang determinasyon mong lumaban.

Siguro kailangan lang na magtiwala pa. Kailangan mo pa munang kilalanin ang sarili mo. Kailangan din sigurong mahalin mo nang sobra ang sarili mo sa puntong kahit may pagkabaluktot ka ay tanggap mo parin ang sarili mo. Nang sa gayon, kahit malagay ka pa sa sitwasyong subsob ka na at wala ng pakialam ang iba na tulungan ka, may lakas pa rin na magmumula sa loob mo, na pipiliting tumayo at bumangon at magpatuloy.
Kapag sinaktan ka nila, ano ang gagawin mo?

Dapat alamin mo. Iba-iba tayo. Iba-iba tayo ng diskarte sa tanong na ito. Pero ang dapat lang nating pare-parehong tandaan ay kapag sinaktan nila tayo, huwag tayong manakit pabalik. Huwag nating gawin sa kanila kung anuman ang ginawa sa atin. Sige umiyak ka, magmukmok ka ka, sumigaw ka, magwala ka. Pero siguraduhin mo sa sarili mong hindi ka magkakaganyan habang-buhay. Ipangako mo sa sarili mo na ngingti ka pa rin, tatawa ka pa rin, magpapatawad at magpapatuloy. Kasi hindi dapat nauuwi sa trahedya ang bawat storya. Oo, may mga kontrabida pero tandaan mo, hindi totoong imposible ang happy na ending. Depende 'yon sa gumaganap sa storya. At tandaan mo na, ikaw ang higit na may kakayahang patakbuhin ang storya mo, hindi sila.

When they hurt you, what will you do?

Sa tanong ko na ito, mag-isip ka na. Bawat oras kasi may posibilidad na masaktan ka kaya dapat naghahanda ka na pero kung ako ang tatanungin mo may naisip na ko na sagot diyan. Mahirap siya pero ito lang ang pinamagandang paraan sa lahat.

Kapag sinaktan ka nila....


MAHALIN mo sila :)

--------------------------------------------------------------------

Catch me up on the ff.:

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/annejoosell
FACEBOOK: https://www.facebook.com/SkyreFelicity
TWITTER: @skyreJocel
ASK.FM: http://ask.fm/annejoosell

Facing Rejection

Facing Rejection

(4/13/15)


Nakakapatulala...
Nakakapatahimik...
Nakakasira ng mood...
Nakakalungkot...
Nakakawala ng gana...
Nakakababa ng tingin sa sarili...
Nakakahiya..

Ilan lang yan sa mga nangyayari at nararamdaman kapag nareject.

Masakit.

Lalo na kapag umasa ka. Kapag marami kang ibinigay pero wala pa lang babalik sa'yo..
Kapag inanticipate mong mangyayari pero imposible pala..
Kapag kampante ka masyado sa meron ka pero kulang pa pala..
Kapag masyado kang nabulag ng magagandang salita pero hindi pa pala yon ang kabuun na nakita.
Kapag inalis mo sa sarili mo ang mga panget na bagay pero meron pa rin pala..

Kahit gaano ka kaopen-minded na tao, hindi mo maiiwasang magalit, magdamdam, at masaktan. Masakit kasi talaga. Automatic na mapapaisip ka kung ano bang nangyari? Bakit nagkaganoon? kulang pa pala? Ano pa bang mali don? Mapapatanong ka kung bakit ka pa pinaasa sa isang bagay na hindi rin pala mangyayari.

Masakit din lalo na kung masyadong nang mataas yung pinangarap mo, kapag kasi nabigo kang makuha yun, parang ang hirap nang mangarap ulit. Ang hirap paniwalaang magaling ka, kaya mo, magagawa mo. Madaling magsalita. Madaling sabihin na okay lang. Marami pang next time. Natural lng naman to. Pero ang totoo mahirap gawin. Mahirap na hindi magpaapekto. Mahirap na baliwalain lang kasi pati pagkatao mo, pati pagtingin mo sa mundo nababago.

Okay sana kung may mga tao kang masasandalan. Ang rejection kasi, hindi lang basta-basta. Para nitong pinupudpod ang tuhod mo kaya nadadapa ka. Mahirap makatayo. Mahirap kumuha ng lakas na kayanin dahil kung pipilitin mong tumayo, mas lalo lang sumasakit. Paano kung walang handang mag-abot ng kamay? Paano kung mag-isa ka lang pala na lumalaban sa buhay? Hindi ka mabubuhay na ikaw lang. May iba kasi sa'tin na mas komportable na mag-isa.. na nakukuntentong sa sarili na lang inaayos ang lahat pero ang totoo kailangan mo ng mga taong sasalo sa'yo at tutulong na makatayo ka ulit.

Kapag malaking bagay yong nagparamdam sa'yo ng rejection, mahirap makamove-on. Mahirap magsalita, mahirap ngumiti, mahirap maging okay. Minsan mapapansin mo na lang yong sarili mong tulala. Inaalala yong mga nangyari.. yong mga katangahan mo. Minsan maaawa ka na lang sa sarili mo kaya din minsan naghahanap ka ng masisi.. mga tao, mga pangyayari, yong buhay mo, sarili mo, minsan ang Diyos. Ang hirap mag-isip ng tama kasi uubusin ka ng lungkot, hiya, awa sa sarili mo at mga pagsisi. Ang dali na lang na umayaw at sumuko. Ayaw mo nang sumubok ulit kasi nagkaroon ka na ng takot na baka maulit lang. Nawalan ka na ng tiwala sa sarili mo. Masakit. Mahirap.Totoo yon.

Pero hindi naman imposibleng bumangon ulit.

Sa mga panahon na yan mahirap makita ang pag-asa. Pero ang totoo, may unlimited chances tayo na pinoprovide ng Lord. Kailangan mo lang ng panahon para pagalingin yung sugat. You just have to realize that it's not a dead end. It doesn't matter if ilang beses kang nareject kasi tapos na yon. Ang kailangan mong matutunan ay kung paano isasantabi lahat ng masasakit sa past. That's only a burden to carry in the future. Kaya nga walang nakakamove-on sa buhay kapag may mabigat pa na dinadala. You also have to stop thinking about what people might say. Now, this is a challenge kasi hindi to maiiwasan. Especially kung people have high expectations of you. Ang hirap magfail. Kahit okay lang sa'yo, pwedeng sa kanila, hindi. But just like what they say, people have always something to say, mapabuti man yan o hindi. It's our nature. You have to accept that and you should not let it put you down. Wala ka ng choice sa bagay na yan. Pero may choice ka kung hahayaan mong bumulusok ka na lang pababa o pipilitin mo pa ring umakyat.Tandaan mo na hindi worth it ang pagsuko sa pwede mong maranasan pag nagawa mong makaakyat sa taas. Mas maganda ang view sa taas.Rejection? Yan lang ba ang magpapasuko sa'yo? Papayag ka na ganon-ganon na lang. Wala namang nasayang eh. Tapos na ba? Hindi pa di ba? Look at Thomas Edison and Michael Jordan. They are examples of successful people. But we do not know exactly what hardships they had been through before they had been what they are now. They had failed and had been rejected a thousand times but instead of stopping, they continued. At kinonsider pa nila yon na mga experiences kung saan natuto sila at mas naging mabuting tao.

"Let not your heart be troubled." 

Sabi ni Lord yan. At may pangako pa siya sa Jeremiah 29:11. He has plans for us... better plans. Kung sumusuko ka na sa rejection na yan sinasayang mo ang mas malaking bagay na hinahanda Niya para sa'yo. Mahirap maniwala pero maraming tao na ang nakapagpatunay niyan. You should not pity yourself. There are people who experiences even worser.

Facing rejection is difficult but IT IS POSSIBLE. Hindi dahil mahirap, hindi mo na kaya. It's part of life, you have to go with it.

Forgive. Sarili mo man o ibang tao. Huwag mo nang ibalik pa yong mga nangyari. Bitterness eats up all goodness na meron ka. It can destroy you. Give yourself a chance. You can still do better.

Heal. Give yourself time to ease the pain. Someday, the time will come that you will no longer remember how it feels. And you'll just smile at how childish you've been.

Everything happens for a good reason. Cheer up. Malay mo kaya ka nareject kasi hindi talaga yan yong para sa'yo. You have your plans. Other people have plans. But God has better plans. Thank Him instead. Minsan sa mga painful things pa tayo natututo at mas nagiging mabuting tao.

Always pray. Always pray for courage and strength. God will never let you down. He's with you and He will always be.

God bless kapatid! ツ

--------------------------------------------------------------------

Catch me up on the ff.:

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/annejoosell
FACEBOOK: https://www.facebook.com/SkyreFelicity
TWITTER: @skyreJocel
ASK.FM: http://ask.fm/annejoosell